( An old blog which I think may still be relevant... )
kaibigan, magandang balita. natanggap ka daw sa abroad.
wow, ito na siguro ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay mo, dahil natupad na ang pangarap mo! sa wakas ay makakaalis ka na sa pilipinas! at mamumuhay nang matiwasay sa lupaing malamig, sa lupaing mas madaling makahanap ng pagkakakitaan, sa lupaing walang korapsyon, sa lupaing parang isang pitik lang ng mga daliri ay may kotse at bahay ka na.
lagi nga namang binabanggit ng mga pilipino na gusto nilang pumunta sa ibang bansa at doon na mamuhay. pinakamaganda talaga dapat sa U.S.! o di kaya, maswerte na sa canada. or sa england! pwede din sa australia!
parang iniisip tuloy natin na mga Pilipino lang yata ang mga taong gustong makaalis sa sarili nilang bansa upang mabuhay sa ibang lugar. kasi lagi nating sinasabi sa atin-atin na, bakit ang mga amerikano, gusto ba nilang umalis ng U.S.? o di kaya ang ibang mga lahi, mahilig ba silang maging overseas worker?
meron kayang isang lahi na gustong mag migrate sa pilipinas? as in, mag migrate sila nang maramihan, tulad ng ginagawa ng mga pilipino sa U.S.?
siguro, iisipin mo, puta, wala siguro. kung amerikano ka ba, dadalhin mo ang buong pamilya mo sa pilipinas? naku, kahit siguro bayaran ka pa hindi mo gagawin yun, di ba? ano ka, isang taong katumbas ng isang libo’t isang gago?
pero, magugulat ka, may lahi na mahilig mag migrate sa pilipinas. maaaring hindi ngayong kasalukuyang panahon mo napapansin, pero nung panahon ng espanyol merong lahi ng mga dayuhan na nag desisyong mag migrate sa pilipinas. at katakut takot sila nung nagsi datingan dito. gulat ka, ano? oo, meron, kaibigan. sasabihin ko na? mga intsik.
hindi siguro ninyo naaalala yung mga tinuro sa inyong philippine history nung elementary at high school kayo, ano? di ba, nung panahon ni magellan, pag dating pa nga lang niya dito, marami nang intsik sa pilipinas? at di ba, pagkatapos ng mga 300 years, pagdating ng mga amerikano, marami pa ring intsik? so, maipagmamayabang din natin na, uy, hindi lang tayo ang lahi na karamihan gustong mag migrate sa ibang bansa. mga intsik din. at mas matindi pa doon, sa pilipinas sila nag migrate. parang mga Overseas Workers din sila noon. kung mag re review ka lang ng mga babasahin sa philippine history nung elementary ka pa, mababasa mo doon na mga intsik ang kadalasang migrante dito sa pilipinas.
o, tumaas ang kilay mo? aba, oo siyempre! kasi hindi mo ba napansin, sa pilipinas ngayon, puro intsik ang mga mayayaman? di ba parang naiisip mo na rin ang sasabihin ko? bakit ang mga intsik, na umalis sa bansang sinilangan nila at namuhay sa pilipinas, mayayaman na ngayon at kung tutuusin, kontrolado na ang ekonomiya ng pilipinas? sige, kaibigan, magkamot ka ng ulo. teka, di ba, ilang dekada na rin tayong mga pilipino laging nagpupunta at nag ma migrate sa amerika? eh, kung gayahin lang natin siguro ang ginawa ng mga intsik sa pilipinas nung nagsidayo sila dito, baka tayo na ang may hawak ng ekonomiya ng U.S.! e sa milyun milyong pilipino na doon, e!
bakit nga ba hindi ganoon ang nangyari? e, di ba, simula pa ng world war II, naipon at naipon na lang ang mga pamilyang pilipino sa U.S.? di ba sabi nga doon, nagkakaroon na ng mga komunidad ng pilipino na sa dami e parang nasa pilipinas ka na din pag pinasok mo sila?
at papaano pa ang dami ng pilipino sa australia? sa canada? sa…ewan, siguro kahit saan sa mundo may pilipino, e.
e sa isang katerbang mga bansa na iyon, wala bang ni isa na ang lahi natin ay namayagpag tulad ng kalagayan ng mga intsik dito sa pilipinas? ibig sabihin, mga pilipino ang mga mayayaman?
bakit nga ba kasi nagsilipana ang mga intsik sa pilipinas? o sige, review ulit tayo ng history. noong panahon kasi ni magellan, mga 1521, mahirap rin kasi ang buhay sa China. oo, meron na silang gobyerno noon ( di tulad sa pilipinas, na noong panahon na iyon e hindi pa tayo naging bansa ), pero mukhang mapang api ang mga namumuno doon e. kasi nga marami sa kanilang gutom, mga squatter siguro, mga walang trabaho, mga walang pagkakakitaan. e, sa dami ba naman ng intsik e…( no offense sa mga intsik, ah, pero totoo namang marami na ang intsik noon pa man )
yung mga naghihirap sa China noon, siyempre, alangan namang umiyak na lang sila at humilata sa isang tabi habang umiiyak sa gutom ang mga anak? siyempre, maghahanap rin ng paraan iyan para maibsan ang kahirapan nila. so, naghanap din sila ng mapaglilipatan ng lugar. maniwala ka man o sa hindi, isa sa mga lugar na inisip nilang puntahan e ang pilipinas.
teka, brother, huwag ka magulat. ikaw, naghihirap ka rin dito sa pinas ngayon. di ba, kahit kazakhstan papatulan mong puntahan para lang makahanap ng trabaho? kahit pa iraq? para lang mabigyan mo ng matinong buhay ang mga anak mo. so, dapat maintindihan mo ang kalagayan ng mga intsik noong panahon naman nila ng kahirapan. baka may magandang job offer noon sa pilipinas. o di kaya talagang gusto lang talaga nilang pumunta sa ibang lugar. e, paano ba iyan, pilipinas ang pinakamalapit? tapos may tsismis pa na maraming trabaho sa pilipinas, kahit kargador lang. tapos ang nagpapa sweldo sa iyo, espanyol pa. pera din yun a! hindi ka makakahanap ng ganung trabaho kung manatili ka lang sa China! so, punta naman sila dito. marami silang nagpunta dito! nag tiyaga sila kahit sa barko lang sila nag biyahe. nag tiyaga sila kahit pa mababa ang tingin sa kanila ng mga pilipino at espanyol. oops, kaibigan, mangyari ay basahin mo ulit ang history books mo. dati, ang mayayabang, mga pilipino. oo! dati, pag nakakita ka ng intsik, ng singkit, iniisip mo: hayup ito a, mukhang katulong.
nung panahon ni magellan iyon.
ngayon, makakita ka ng intsik, malamang nakasakay ng kotse iyon. ikaw, wala. ha ha ha! tapos, baka ikaw pa ang inuutusan ng intsik. pero, biruin mo, dati, parang mga OFW ang mga iyan…hindi sa U.S., ha, or sa Japan. Sa pilipinas!
ang nakakagulat isipin, hindi lang sa Pilipinas ginawa ng mga intsik iyan. ngayon, maraming mayayamang intsik sa australia, sa canada, sa U.S…..ay naku, grabe. kung tutuusin, ang mga intsik ang pinakaunang mga pinakasabik mag Overseas Worker. talo nila tayong mga pinoy.
kala mo tuloy nauna tayo, ano? hindeee! mas nauna ang mga intsik sa atin!
pero, bakit, pagkatapos siguro ng 30 years na ilang milyong pilipino ang kumalat na sa buong mundo, bakit karamihan mahihirap pa rin? oo, nasa canada ka na nga, sige, may kotse at bahay ka. pero, hindi ka naman may-ari ng restawran. or, hindi ka naman may-ari ng sarili mong kumpanya. siguro, hanggang ngayon, wala ka naman talagang ipagmamayabang pag kinumpara ang buhay mo doon sa kapitbahay mong intsik sa australia. haaay….
teka, alis muna tayo sa mga intsik. punta naman tayo sa iba pang mga lahi na nag isip na mag Overseas Worker din noong naghihirap ang mga bansa nila. tingnan natin ang Ireland. hanapin mo sa mapa iyon, kaibigan. may panahon sa history na naghihirap ang Ireland noon. siguro mga 1600, sabihin na natin. parang pilipinas din sila noon, maraming pamilya ang walang makain. so, inisip din ng mga Irish na mangibang bansa. maging Overseas Worker, kumbaga. saan sila nagpunta? sa U. S. oo! sa Amerika sila nagsipuntahan. ngayon, ang mga Irish ang isa sa mga lahing kontrolado ang Amerika. mga mayayaman na ang mga Irish doon! hindi man lahat, pero maraming kumpanya sa U.S. na lahing Irish ang may ari. kumbaga, ginawa nila yung ginawa ng mga intsik sa pilipinas.
bakit nila nagagawa yon?
okey, sige, tingnan natin ang sitwasyon ng mga Pilipino sa U.S. ngayon. ilang milyon na sigurong pilipino ang nakatira sa U.S.! nangyari ito nung mga panahon siguro ni Marcos, siguro mga 1960’s or pataas. nagsimulang dumagsa ang mga Pilipino sa U.S.
paki halintulad mo naman sana iyon sa nangyari sa Pilipinas noong panahon ni Magellan, na marami ring Intsik ang nagsidumog sa Pilipinas.
sige, isipin mo na lang kaibigan. Cojuangco. Lucio Tan. Henry Sy. lahat ng mga iyan, mga migrante yan galing China sa Pilipinas. mga Gokongwei. mga Ti Ong Son ( ngayon Tiongson na sila ).
ayaw mo man aminin, pero kontrolado nila ang ekonomiya ng pilipinas ngayon.
okey, mga pilipino sa U. S.
sino ba sa kanila ang may business na katulad ng SM doon? teka…wala yata e.
baka may ginagawa tayong mali.
so…alam mo na, bilang Pilipino, kung ano ang dapat mong ginagawa sa abroad?
kaibigan, isipin mo, ha.