Sunday, December 13, 2009

Bakit Mahal Ko ang Pilipinas

Nandito ako ngayon sa Australia habang sinusulat ko ito.

Ang Australia ay kasapi ng G8—ang grupo ng walong pinakamaimpluwensyang bansa sa buong mundo. Bukod sa Australia, ang ibang mga bansang natatandaan kong kasama sa G8 ay ang United States, Great Britain, Japan, Germany, tsaka may iba pa na hindi ko na matandaan ngayon...Russia yata o France, o di kaya Canada. Malapit na yatang masali sa kanila ang People's Republic of China, kung hindi pa ito sumali na.

Ang mga bansang ito ay laging prominente sa Olympics, sa United Nations, sa balita sa radyo at telebisyon, at siyempre, sa komersiyo. Mayayaman ang mga bansang yan. Ang sabi nga ng karamihang Pinoy, kapag ikaw ay nakakuha ng trabaho sa alin mang mga bansang G8, at isa kang Permanent Resident o Citizen, napaka swerte mo na.

Samakatwid, kapag ang Pinoy ay nakapag trabaho dito sa Australia, at naging Permanent Resident o kaya Citizen dito, pinagpala siya.

Oo, nandito ako sa Australia habang sinusulat ko ito, pero hindi ko makalimutan ang Pilipinas.

Karamihan ng mga nakilala kong Pinoy dito sa Australia ay pamilyado na, at may dalawa o tatlong anak. Kahit ilan pa sa kanila ang nakakausap ko, halos iisa lang ang sinasabi nilang dahilan kaya sila lumuwas ng Pilipinas. Pumunta sila sa Australia at sumubok magsimula ng panibagong buhay dito para sa kanilang mga anak. Kasi kung sa Pilipinas daw palakihin ang mga anak, siguradong masama daw ang magiging kinabukasan ng mga ito. Kasi ang Pilipinas mismo ay hinding hindi na gaganda pa ang kalagayan sa mga darating na panahon. Sa madaling salita, ang mga bata sa Pilipinas ay walang maaasahang magandang buhay pag laki nila.

Alam nating lahat na hindi lang mga Pinoy sa Australia ang ganito mag isip. Karamihan din ng mga Pinoy sa ibang bansa, pareho ang dahilan ng pag-alis sa bayang tinubuan nila. Ang mga anak nila ay magiging Australiano paglaki. Kung hindi man Australiano, Amerikano. Canadian. Japanese. German. British. French. Hindi na Pinoy.

Ngayon naiisip ko, ilang milyong bata pa ba ang nabubuhay sa Pilipinas ngayon? Kung totoo ang sinasabi ng mga nakakausap kong Pinoy dito sa Australia, ibig sabihin nun ilang milyong tao din ang lalaki nang walang mararanasang magandang buhay. Ilang milyon siguro ang mababalitaan nating magugutom o kaya maghihirap hanggang 2050.

Ngayon, 2009 pa lang. Marami pang oras para itakas ang mga milyun-milyong Pinoy na bata habang maaga pa, para sa ibang bansa na sila magsipaglakihan. May 41 years pa tayo. Naiisip ko din tuloy, dapat ilipat ang milyun-milyon nilang mga anak na Pinoy sa mga G8 na bansa, para doon silang lahat lumaki at gumanda ang kinabukasan nila. Dapat siguro ganito ang pag planuhan ng susunod na Presidente ng Pilipinas, sinuman siya, pagkatapos niyang manalo sa eleksyon ngayon 2010.

Maraming Pinoy ang magugustuhan ang planong ganon. Kasi, aminin na natin, mas masarap isipin yun. Ano pa ba ang ibang alternatibo? Sino ba naman ang gustong baguhin ang Pilipinas ngayong 2009 pa lang para paglaki ng mga batang Pinoy sa darating na 2029 ay maka ranas man lang sila ng magandang buhay sa Pilipinas? Meron pa bang gana ang mga Pinoy diyan?

Tutal nga naman, simula pa nung 1521 hanggang 2009, ang Pilipinas ay nanatiling pangit ang kalagayan. Kulang – kulang mga 488 years din yung haba ng panahon na iyon. Kailan ba tayo napasama sa G8 sa loob ng 488 years? Makaka asa pa ba tayong mga Pinoy na ang Pilipinas ay mapapasama sa G8 sa susunod na 20, o di kaya 40 years?

Buti pa nga talaga, dalhin na natin ang mga batang Pinoy sa Pilipinas sa iba't ibang mga bansa habang maaga pa.

Kaya lang, marami ang magsasabi, siyempre, imposibleng mangyari yun. Malas na lang nung mga naiwan sa Pilipinas.

Bakit kaya maraming Pinoy sa ibang bansa ang nakapagsasabi pa rin na mahal nila ang Pilipinas? Di ba, dapat tanungin din sila na – kung mahal mo nga talaga ang Pilipinas, bro o sis, bakit ayaw ninyong lumaki ang mga anak niyo sa Pilipinas? At hindi na sila dalhin pa sa ibang bansa pwera na lang kung magiging turista lang sila? Kailangan ba talaga maging Filipino-American or Filipino-Canadian or Filipino-Australian ang mga anak ninyo? Hindi ba pwedeng tawagin na lang silang Filipino? Yung walang dash tsaka pangalan ng ibang bansa na katabi?

Habang sinusulat ko ito, nababalitaan ko dito sa Australia na marami na namang namatay sa Pilipinas. Sunod sunod kasi ang mga pangyayari. May mga malalakas na bagyong dumating kaya ilang daang Pinoy din ang namatay. May mga kriminal na pumatay ng 57 katao sa Maguindanao. May isang taga Basilan Island ang pinugutan ng ulo. May sinabugan ng baterya ng cellphone. Puro trahedya.

Bukod pa sa mga nababalitaang mga namamatay, marami pang bali-balita na ang mga krimen ay patuloy na dumadami at hindi na napipigilan. Maraming mga kriminal sa mga kalye at mga baryo. Mas marami pang kriminal na may mga posisyon sa gobyerno.

Patayan. Kalamidad. Krimen. Masamang gobyerno. Mahirap na buhay. Sino nga ba naman ang magpapalaki ng anak sa lugar na ganyan? At sino nga ba naman ang gustong manirahan sa ganyang lugar?

Habang dito sa Australia, naku, ang pinaka malalim lang yatang problema ng mga Pinoy dito ay kung saan mag pa park ng sasakyan kapag mag sha shopping sa mall. Dito sa Australia, ang mga Pilipino may mga bahay, marami silang pagkain, hindi sila kayod kabayo kapag nagtatrabaho, tsaka ang mga kagamitan nila sa bahay kumpleto – kasama na ang washing machine, microwave oven, tsaka computer.

Bakit mo iisipin pa ang Pilipinas kung ganito na ang kalagayan mo? Kailangan mo pa bang kumilos para sa Pilipinas kung nandito na nga't nasa isang G8 country ka na?

Kapag sinasabi kong gusto kong bumalik ng Pilipinas balang araw para gumawa ng paraan, kahit gaano pa kaliit, na makatulong akong pagandahin ang buhay ng mga Pilipino doon, maraming nagsasabi na pangarap lang ng siraulo yon. Kesa mag aksaya pa daw ako ng panahong mag isip kung paano matupad ang planong ganun, mas mabuti pa daw na isipin ko na lang kung paano magtaguyod ng sariling pamilya dito sa Australia. Tutal, single pa naman ako at wala pang anak. Bakit ba iniisip ko pang balikan ang Pilipinas?

Pero desidido pa rin akong bumalik sa Pilipinas balang araw. Aabutin siguro ng anim na taon mula ngayong 2009 bago ko magagawa yun, pero gusto kong bumalik sa bayan ko. Pag nakuha ko na ang Permanent Resident Visa ko dito – siguro pagdating ng 2015 o 2016 – nangako ako sa sarili ko na uuwi ako.

Kasi minamahal ko ang Pilipinas. At mabuti nang klaruhin ko kung bakit, kahit pa sabihing siraulo ako.

Ayaw kong isipin na wala nang pag-asa ang Pilipinas. Hindi ako madalas magsimba, at lalong hindi ako madalas magdasal. Masasabing hindi ako relihiyosong tao. Pero may isang alituntuning tinuturo ang relihiyon na pinaniniwalaan ko – ang palagiang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga taong magbago ng buhay.

Halos lahat ng relihiyon, Kristiyano, Muslim, Budista, o anupaman, ay nagkakaisa sa paniniwalang hindi dapat itakwil ang kahit sinuman dahil sa kaniyang nakaraan. Nandiyan yung mga sagad sa butong adik na ilang taon ding sinayang ang mga oportunidad sa buhay – tinapon ang lahat ng pera para sa bisyo, natutong matulog sa kalye, natutong magnakaw, nakulong sa bilangguan...pero dahil binigyan siya ng pagkakataong magbagong buhay ay nagawa niya. At alam nating nangyayari ang ganito sa totoong buhay. Hindi lang isang beses. At hindi lang sa mga adik.

Alam ng halos lahat ang kwento tungkol kay Hesus at doon sa babaeng prostitute. Dahil sa kabaitan ni Hesus, imbes na hayaan na lang niyang batuhin ng mga taongbayan ang babae para parusahan ito sa pagiging prostitute, dinepensahan ni Hesus ang babae at hinimok niya itong talikuran ang nakaraan at magbagong buhay. Sa kabila ng di kanais-nais na nakaraan nung prostitute, naniwala pa rin si Hesus na kaya pa nitong ituwid ang sarili.

Kahit pa alisin ang relihiyon sa usapan, hindi pa rin natin maipagkakaila na malaki ang nagagawa ng positibong pag-udyok para magbago ang buhay ng isang tao. Sa personal kong karanasan, marami akong nasaksihang mga estudyante na nagsimulang "bobo", pero dahil patuloy siyang hinihimok ng isang mabait na teacher na pagbutihin ang pag-aaral ay unti-unting matututo itong mag tiyaga – at nagugulat na lang ang lahat nang mapansing tumaas na ang grado nito.

Importanteng hindi kalimutan ng mga Pinoy ang nakaraan ng Pilipinas, pero hindi nangangahulugang dahil sa nakaraang masalimuot ay hindi na magbabago ang Pilipinas. Kung tutuusin, ang Pilipinas ay pwedeng maihambing sa isang estudyante. At pwede din ihalintulad ang iba't ibang mga bansa ng mundo sa mga estudyante din. Ang komunidad ng mga bansa ay pwedeng isiping parang isang malaking classroom.

Sa classroom na ito, magka-kaklase sila Mr. Pilipinas, Mr. United States, Mr. China, Mr. Canada, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon, may humigit-kumulang 155 ang mga bansa sa buong mundo. Samakatwid, sa ganitong classroom, may 155 na mga estudyante ( kunwari lang naman – patawad kung mali ang bilang ko sa dami ng mga bansa sa mundo ).

Alam natin kung sino ang "pinakamatatalino" at "tanyag" sa mga estudyanteng ito. Siyempre, sila yung "top 8" – na tinaguriang grupong "G8" sa totoong buhay. Sila ang mga estudyanteng magagaling sa science subject, sa economics subject, sa military studies, sa social studies, sa physical education...halos lahat ng mga aralin sila ang nangunguna.

Yung ibang mga kaklase ni Mr. Pilipinas, sinusubukang habulin ang naabot na ng top 8 na mga estudyanteng ito. Kabilang sa mga estudyanteng nagpupursigi para mapasali sa kanila ay sina Mr. South Korea, Mr. Malaysia, Mr. Singapore, Mr. India, Mr. Dubai, at iba pa. Para kasi sa mga estudyanteng katulad nila, pinagtiyatiyagaan nilang pantayan ang kakayahan ng mga estudyanteng pinakamagagaling. At siyempre, mas maganda yung ganun. Kasi, kung muli tayong babatay sa karanasan ng totoong buhay, mas maayos kasi ang kalagayan ng mga mamamayan ng isang bansa kapag "excellent" ang grado ng bansa.

Kumusta naman si Mr. Pilipinas sa classroom na ito? Nakakalungkot mang aminin, hindi kasama si Mr. Pilipinas sa mga pinakadalubhasang mga estudyante. Sa kasalukuyan, nandoon siya sa isang sulok ng classroom, walang sapatos, may mga butas ang uniporme, at kung hindi man nagmumukmok ay parang hindi nakikinig sa leksyon. Wala siyang kagana-ganang pataasin ang mga grado niya. Kuntento na siya na manahimik na lang sa loob ng classroom at pagmasdan ang nangyayari sa ibang mga katabing estudyante.

Panigurado lang marami tayong nakitang ganitong klaseng estudyante sa totoong mga karanasan natin. Tuwing makakita tayo ng ganitong estudyante, mabilis nating sabihin sa sarili natin na, "Yan ang batang walang pag-asang magkaroon ng magandang kinabukasan. Bakit hindi na lang siya tumulad doon sa mga kaklase niyang first honor o valedictorian na masipag sa pag-aaral? Paano uunlad ang isang estudyante kung wala siyang ibang ginagawa sa classroom kundi tumunganga?" Kaya ang iisipin tuloy natin, baka kasi yung estudyanteng ganun ay maraming bisyo, puro barkada ang inaatupag, walang hinangad na gawin kada araw kundi maghanap ng walang kwentang aktibidades na uubos ng oras.

Lahat tayong mga Pinoy mahilig sa magaling na estudyante, lalo na kung swertehin ka at naging magulang ka ng ganung klaseng anak. Pero kung tutuusin, ang buong bansang Pilipinas mismo ay kumikilos nang parang estudyanteng nakatunganga. Nakakapagtaka naman.

Mabuti na lang, hindi lahat ng estudyanteng pulpol o tatanga-tanga sa umpisa ay garantisadong mananatiling ganun buong buhay niya. Meron pa nga diyan, binubugbog halos araw-araw ng sariling tatay kaya nalulon sa bisyo at barkada kaya ilang taong nahirapan bilang estudyante. Pero, magugulat ka, tulungan lang siya ng mga taong taos-pusong nagnanais na paunlarin ang kalagayan niya – at magagawa nga ng estudyanteng ito ang magbago.

May nangyari na bang parang ganito sa classroom ng mga bansa na tinatalakay natin? Meron.

Si Mr. Japan, na kasalukuyan ay nasa top 8, ay may nakaraang masalimuot – at alam ng karamihan nating mga Pinoy iyon. Sino ba ang hindi nakakaalam na binomba ng dalawang atomic bomb ang Japan? Bukod pa doon, halos pinulbos ng Allied Forces ang buong bansa ng Japan bilang ganti sa mga karumal-dumal na mga kasalanan ng mga sundalong Hapon noong World War II.

Kumbaga sa estudyante, itong si Mr. Japan ay naging siga sa klase, pero biglang pinagkaisahan ng ibang mga kaklase niya at siya naman ang pinagbububugbog hanggang nagkabali-bali ang mga buto niya at umiiyak siyang nanghingi ng patawad. Kinawawa si Mr. Japan bilang estudyante, pero hindi rin siya makapagreklamo nang husto kasi siya rin ang may kasalanan eh.

Si Mr. Japan naging estudyanteng pulpol nung 1946, pagkatapos ng World War II. Pero pagkatapos ng 20 years, nakabangon na siya ulit. Ngayon siya ang pangalawang pinakamagaling sa estudyante sa classroom, sa ibaba lang ni Mr. United States. Hindi naging madali para kay Mr. Japan na maka rekober, pero nagawa niya.

Nakakuha naman ng inspirasyon sa kanya itong si Mr. South Korea, kaya eto naman si Mr. South Korea, napapansin nating sumusunod sa mga yapak ni Mr. Japan, at nagiging dalubhasang estudyante na rin.

Marami pang pagkakataon para maging mabuting estudyante si Mr. Pilipinas. Kahit gaano pa katagal ang nagdaang panahong naging isang delingkwenteng "estudyante" siya.

Hindi madali ang magiging proseso, pero pwede pa ring paunlarin ang Pilipinas. Pero kailangan maging katulad tayong mga Pinoy sa mga teacher na hindi tumitigil bigyan ng tulong ang isang estudyante.

Mahilig tayong mga Pinoy na magkwento sa atin-atin na ang mga kabataang Pinoy ay matatalino – na kapag pinag aral sila sa mga eskwelahan sa United States, sa Canada, sa Australia, sa kung saan-saan pa, kitang kita agad na sila ang masisipag mag-aral at tanyag sa kinaluluklukan nilang mga classroom. Hindi naman siguro malayong isipin na ang buong bansang Pilipinas ay magagawa ding maging kahanga-hanga tulad ng mga kabataang ganun.

Hindi ko nakikitang dadating ang panahong iyon sa loob ng isang taon o sampung taon. Maaaring umabot ng 20 years bago pa mangyari yun, gaya ng nangyari sa Japan. Baka mas matagal pa ang kailanganing panahon. Pero ang pinakaunang dapat mangyari ay mas dumami ang mga Pinoy na magmamahal sa sariling bayan, na maghangad na tulungan ito para maka takas sa kasalukuyang kalagayan.

Mahal na mahal ko ang Pilipinas kasi may kinabukasan pa ito. Hindi ko maatim na pabayaan ang Pilipinas habang patuloy na lumulubha pa lalo ang kalagayan nito. Ang mga Australiano mismo, ang mga Amerikano, mga Intsik, mga Canadian, mga Hapon – lahat ng mga mamamayan ng mga bansang G8 ay nagmamahal sa sarili nilang mga bansa. Ano ang dahilan ko para hindi gayahin ang ganung pag-iisip nila?

Para sa mga Australiano, nakakabawas ng dignidad ng kapwa Australiano kung hindi niya mamahalin ang Australia. Mababawasan ang dignidad ko bilang Pinoy kapag hindi ko mamahalin ang Pilipinas.

At sa karanasan ko, mas natutuwa ang mga Australiano sa akin kapag ipinakita ko ang pagmamahal ko sa bansang sinilangan ko. Kasi nagiging pareho kami ng pag-iisip. Kapag tinakwil ko ang bansa ko, palagay ko lalo pa akong pag-iisipan nang hindi maganda ng mga Australiano. Hindi sila komportable sa taong hindi nagmamahal sa sariling bansa.

Hindi kasi sila ganun.

Kaya gagawin ko talagang umuwi ng Pilipinas kapag maging angkop na ang panahon. Napagmasdan ko na mismo dito sa Australia kung paano galangin, mahalin, at pagandahin ng mga Australiano ang Australia. Nadagdagan na ang kaalaman ko kung paano ko gagawin ang mga ganun sa Pilipinas pagbalik ko.

Ang mga natututunan ko dito at ang ikauunlad ko dito ay ibabalik ko lahat sa Pilipinas. Kasi para saan pa ba at pumunta ako sa ibang bansa, kundi para maibahagi sa sariling bansa ang mga kaalaman ko?

Maiintindihan ng mga Australiano yun, kasi sila mismo ay ganun mag-isip. Kaya nga walang tigil silang gumagaya sa mga ginagawa sa US. Kasi para sa kanila, kahit pa G8 na ang Australia, walang tigil ang pagpursigi nila para mas lalo pang gumanda ang sarili nilang bansa.

Kaya ang pakiusap ko sa mga Pilipinong nasa mga bansang G8 ngayon, subukan ninyong ibalik sa Pilipinas ang mga biyaya ninyo. Ipahatid ninyo sa mga Pinoy sa Pilipinas ang mga paraan ng isang bansang G8 para maging isang magandang bansa, lalo pa't araw-araw na ninyong nararanasan ang mga yon.

Ano ba ang masama kung magulat na lang tayo isang araw at G8 na din pala ang Pilipinas?

Monday, November 16, 2009

The Ondoy Massacre ( God Help Us!!! )

( Note: I am in no way belittling or making a mockery of the tremendous pain and loss suffered by the people of my own hometown after the catastrophe wrought by Typhoon Ondoy. Many lives were taken away; many families lost their dwellings along with nearly all their property; little children, the elderly, and the sick got hurt; even some pets and animals were not spared a tragic end. I condole with every single person who lost someone they loved, I empathize with those who have to rebuild their lives from the heap and rubble of their shattered homes.

However, we Pinoys have always been famous for managing even just the slightest of smiles in the midst of the tempest and fury of many calamities. Our humour time and again sustains our hopes that yes -- even all of these, too, shall pass. It is not right for any of us to forget the dark, but let us also move with determination toward the light.
)

Ni hindi akalain ng karamihang Pinoy na pwede palang mabugbog ang Metro Manila tulad ng pambubugbog ni Manny Pacquiao sa mga kinalaban niyang boksingero. Pero nangyari yun nung gumulantang ang bagyong si Ondoy. Biruin mo ba naman na pwede palang maging dagat ang lupang tinatayuan ng mga kabahayan at sangkatauhan. Ngayon alam na ng milyun milyon kung ano ang pakiramdam ng mga isda. Ang kaibahan lang, ang isda, hindi nalulunod.

Photo Taken From:
http://www.pinoygigs.com/blog/wp-content/uploads/2009/09/typhoon-ondoy-victims.jpg

Kung tutuusin, nakakatawa isipin na ang simpleng pag-ulan pala ay pwedeng maging mala-tsunami ang epekto. Ilan ba ang bagyong dumadaan sa Kamaynilaan kada taon? Ilang taon na bang binabagyo ang Manila? Kung nagkaroon pa ng sandstorm sa Saudi Arabia na parang Ondoy ang lawak eh di dapat nabaon na nang buo sa buhangin ang isang siyudad doon. Pero hindi pa naman nangyayari iyan kahit kailan sa Saudi Arabia. Parang sinabi mo na ring, naku, bagyo? Bakit ako mag aalala? Eh kada taon ilang bagyo ang humahampas sa Manila? Hindi ba't sanay na ako sa ganyan at Manilenyo ako?

Eh pero eto nga, may nangyaring sobrang kakaiba at kakatwa. Kumbaga, may pagka milagro. Nagsalita ang pipi. Lumakad ang lumpo. Ang taong may taning na ang buhay ay biglang nawalan ng kanser. Ang buong Kamaynilaan ay binaha sa antas na lampas tao sa loob ng tatlong oras na pag ulan. Wow, pare, hanep.

Pero hindi nakakatawa ang naging resulta. Ilang linggo na ba ang lumipas simula nung September 26 na iyan? Hanggang ngayon marami pa rin sa Maynila ang nagkukulang sa pagkain dahil sa bagyong Ondoy. Hanggang ngayon marami pa rin ang walang sariling bahay na matutulugan. Marami ang namatay.

Photo Taken From:
http://ohgracious.files.wordpress.com/2009/09/typhoon_ondoy.jpg

Bukod sa minalas tayong mga Manilenyo dahil may once-in-a-lifetime na perfect storm na dumating, malas din tayo na ang gobyernong humahawak sa atin ay may pagka inutil pagdating sa mga kalamidad. Isiping mabuti. Tatlong oras ang lumipas nung September 26 mismo nung unti-unting namamalayan ng mga tao na ang baha ay pataas nang pataas patungo sa level na halos hindi na kapani paniwala. Sa loob ng tatlong oras na iyon, dapat naman sana nagkaroon na ng emergency meeting ang National Disaster Coordinating Council at nag-talaga na sana sila ng mga bangka o mga sasakyan o di kaya kahit mga helicopter para maghanda sa pag likas ng mga maaaring ma stranded sa mga bahay.

Photo Taken From:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg7eYx46RSBbIsMbOZL6shTUIOD_-lNmLwRStbypK6znKiCUEtDaytjJwCCqaMvYKxVtdwkxaSsMf03xxB0dShigpzPJU_dhr4M2oYCi-7vfwYHzwPMScvWTQlRkN4zuEBKCsvuzd1zy359/s400/typhoon+ondoy+picture.jpg

Ang tatlong oras ay mahabang panahon kung may magandang programa ang gobyerno para sa mga kalamidad. Oo nga, ang bagyong Ondoy ay once-in-a-lifetime, at hindi inaakalang magdudulot ng ganung pagbaha. Pero di ba, ang tsunami ay once-in-a-lifetime din? O di kaya lindol? Hindi ba't kung may matagal nang nakaplanong mga alituntunin ang National Disaster Coordinating Council para sa isang lindol o tsunami, eh di ba dapat maibabagay iyon bilang sagot sa pagtaas ng baha sa Kamaynilaan?

Pero yun na nga, wala kasing plano ang NDCC kahit sa isang malawakang lindol, tsunami, o kaya pagsabog ng bulkan. Wala naman talagang mga bangka o helicopter o mga malalakas na floodlight na naka standby at pwedeng gamitin sa isang pitik kung kinakailangan. Swerte talaga natin, ano?

Photo Taken From:
http://cache.daylife.com/imageserve/0ekP1qMg2G28E/610x.jpg

Buti pa kapag may eleksyon, nakahanda palagi ang mga kagamitan para sa pandaraya. Kahit sabihin pang bukas na bukas magkakaroon ng snap election at kanina lamang in-announce, asahan natin na mamayang alas dose ng hatinggabi naka handa na ang mga baril, mga sundalo, at mga pekeng balota, o di kaya mga computer, na pwedeng gamitin sa malawakang pandaraya. Siyempre, pag eleksyon, laging nakahanda ang mga nasa gobyerno. Kapag kalamidad, kahit siguro cellphone walang naka alay para diyan.

Kaya lang, ayon nga sa lumang kasabihan, ang pikon ay talo. Lumang istorya na nga naman ang mga usap-usapan tungkol sa pagka inutil ng gobyerno, kaya pwede ring gawin na isaisantabi muna ang mga ganyang diskusyon. Tutal, kahit gaano mo katagal iwanan ang topic na iyan, sigurado namang pag binalikan ay walang magbabago -- wala pa ring silbi ang gobyerno, di ba?

Mas makakatulong pa siguro kung maghanap na lang ng mga leksyon na naidulot ang Ondoy sa ating mga Pinoy. Ayon nga sa isa pang lumang kasabihan, kung madapa man, bumangon -- at huwag nang ulitin ang ginawang katangahan.

Hindi naman natin maipagkakaila na ang bagyo ay bagyo at pwede itong maulit. Ang tao naman ay tao -- yun nga lang, ang tao pwedeng magbago ng kilos sa madaliang panahon, di tulad ng bagyo. Mahirap kontrolin ang bagyo. Ang sariling kilos, mas madaling baguhin. Mas madaling malaman kung paano magbabago kapag ang mga aral ng karanasan natin kay Ondoy ay eksaminin nang mabuti.

Photo Taken From:
http://8.media.tumblr.com/tumblr_kqn17uJ00r1qzjgnio1_500.jpg

At isa sa mga aral ng Ondoy ay ang pag bukas ng mga mata natin sa tunay na kalidad ng iba't ibang mga tao sa Maynila. May isa pang lumang kasabihan na pwedeng i-apply dito: Sa masamang panahon mo lamang malalaman kung sino sa mga kaibigan mo ang tunay na kaibigan. Tutal, pag nakangiti nga naman lahat, nandiyan ang pagkarami raming tao na lumalapit sa iyo. Kapag dumating na ang di kanais nais na pangyayari, ayun, nagsisitakbuhan ang karamihan -- at yung natitira lamang ang masasabi mong taos-pusong nakikiramay at sumusuporta sa iyo.

Halatang-halata na ngayon na hindi friend ng mga Manilenyo ang gobyerno. Hindi ba't tayong mga Manilenyo ay mahilig sa friends? Hindi ba't sikat sa atin ang Friendster.com? Ano ba ang inaasahan mo sa isang friend? Di ba't yung tutulungan ka kapag kailangan mo siya? Nasaan ang tulong ng gobyerno noong tumaas na ang baha at nawalan na ng kuryente, maiinom na tubig, pagkain, at maayos na tulugan ang mga Pinoy sa Maynila? Wala sila. Nandoon sila sa malayo, nagmi-meeting at nagpapasikat sa camera. Kung may Friendster man ang gobyerno, panigurado ngayon naubos na ang mga ka-Friend nilang iba kasi pinag di-delete na sila as friend.

Photo Taken From:
http://murmursonthestreet.files.wordpress.com/2009/09/gilbert-teodoro.jpg

Sino ang naging friends na tunay ng mga taga Maynila noong sumapit na ang kinagabihan ng September 26? Mga simpleng mamamayan. Yung kapitbahay na pinatuloy ang ibang pamilya sa second floor o third floor ng bahay nila para mailikas ang mga matatanda, mga bata, mga buntis, at may sakit. Yung mga magka-kapitbahay na nagtulung tulungan para magsalbar ng mga kagamitan sa bahay ng iba. Yung mga magka-kapitbahay na gumawa ng mga bangka para makatawid ang mas maraming tao sa pampang ng mga ilog.

Maraming nagsasabi na ang mga tao sa Maynila ay kadalasang mga balasubas at walang pakialam sa kapwa. Ngayon masasabi natin na hindi naman lahat ng Manilenyo ay ganoon. Marami pa rin ang maaasahan, kahit pa dati ay hindi sila mga friend.

Photo Taken From:
http://www.devjobsmail.com/main/com/disaster-photos/ondoy-page1.jpg

Marami ring mga friend na bumbero, sundalo, pulis, nurse, doktor, construction worker, call center agent, o kung sinu-sino pa man. Mga simpleng tao lang sila. Kadalasan ay hindi sila sikat, hindi sila araw-araw nakikita sa tv, wala silang mga magagarang kotse o kaya mga magagandang cellphone. Pero pinusta nila ang buhay nila at nag alay sila ng panahon para sa ibang tao na hindi nila masyadong kakilala. Sila ang tunay na friend.

Photo Taken From:
http://cache.daylife.com/imageserve/01S838E4BqfCD/610x.jpg

Photo Taken From:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh9ls7v6u5Ki8sKPD2g9wYze3o53vxuatlNC1tb6Gjz5V0W1RjOU-3YYpU-z4xA3yL-Gccjjg1Jst1mvI9uEg9sMzk-mRf7GF3DtdfhEDsx63PVxXCKiQw6krzJVeRi_4I6cQvm973QIR0/s400/rescue+operations+of+police+typhoon+ondoy.jpg

Photo Taken From:
http://z.hubpages.com/u/1828829_f260.jpg

Lumilitaw na ang pinakamahalagang pagkilos sa mga ganitong trahedya at kalamidad ay hindi agad manggagaling sa mga malalaking institusyon, kundi sa mga simpleng mamamayan. Kaya kung sinasabi mong ikaw ay simpleng trabahador o mamamayan o estudyante lamang, isipin mo rin na kapag umulit na naman ang isang Ondoy, ikaw po ang pinakamadaling pagkakautangan ng buhay ng mga nasa paligid mo. Kung nagawa mo man lang yun, matuwa ka. Mas magaling ka pa at mas maaasahan kumpara sa gobyerno. Saludo kami sa iyo, friend.

Kung lahat lang ng mga magkakapitbahay sa Maynila ay ganyan mag-isip, siguro mas kakaunti ang chances na marami ang muling babawian ng buhay kapag may kalamidad mang dumating.

Lalo pang gaganda sana ang naging mga pangyayari at mga balita kung ganyan din mag-isip ang mga malalaking institusyon. At pagkarami-raming institusyon sa Maynila. Eh di sana ganito ang naging mga balita sa dyaryo, tv, radyo, at internet:

" Paghinto na paghinto pa lang ng ulan nung kinagabihan ng September 26, agad na rumatsada ang mga bangka ng Philippine Navy, Philippine Army, at mga helicopter ng Philippine Airforce upang suyurin ang mga kabahayan at maghanap ng mga istranded. Gumamit sila ng malalakas na mga ilaw para mapadali ang paghahanap nila. Marami silang pinulot na mga biktimang basang basa, walang mainom o makain, o di kaya ay may sakit, at agaran nilang dinala sa mga malalakihang ospital tulad ng St. Luke's, Medical City, Makati Medical Center, mga Army Hospitals, at kahit sa Malakanyang. Tinulungan din ng mga pulis at mga opisyal ng barangay ang mga sundalo at bumbero sa pangongolekta ng mga biktima.

" Kinabukasan naman, September 27, sa unang pag litaw ng araw, nag tipon tipon na ang mga pari, mga pastor, at mga iba pang kawani ng mga simbahan upang mag organisa ng mga food relief operations. Binuksan ang lahat ng mga private Catholic schools at mga university para sa mga evacuee, at kasama na rin dito ay nag alay ng libreng mga pagkain sa mga canteen ng bawa't isa. Hindi naman nagpahuli ang mga doktor at nurse, dahil kahit pa walang tulog ay inasikaso nila agad ang lahat ng may sakit o kaya naman ang mga nabalian ang buto dahil sa mga aksidenteng napala sa pagtakas sa mataas na baha.


" May iilan ilan namang mga matataas na gusali sa Ayala at sa Ortigas ang inalay para sa pagkupkop ng iba pang mga nasalanta. Ito daw ang kontribusyon ng private enterprises para sa pagsalbar ng mga nasalanta, hindi malayo sa ginawa ng ibang mga magkakapitbahay na nang-imbita sa mga katabing pamilya nila upang makisukob sa mga kabahayan nilang matataas.


" Ang Presidente mismo ay rumonda sakay ng isang helicopter upang masinsinang suyurin ang mga pangyayari, at upang i-coordinate ang mga paglikas. Paulit-ulit niyang sinigurado na ang mga utusan niya sa National Disaster Coordinating Council ay ginagawa ang trabaho nila -- yun na nga, ang pag coordinate ng mga efforts ng Church, Private Businesses, mga Ospital, at mga simpleng mamamayan, upang ang bawa't pagkilos ay nakakatulong sa isa't isa, at hindi kalat-kalat at walang direksyon. "


Kaya lang hindi naman ganun ang nangyari eh. Yung reporter kasi, durog sa pinagbabawal na gamot. Kung tutuusin, ito ang katuloy ng pag re report niya.

" Ito po ang inyong abang lingkod, si Jose Rizal, nag rereport mula sa tuktok ng isang tower sa gitna ng piyer, nagsasabing, Mabuhay kayong lahat. Oo nga pala, mga dalawang linggo bago sumapit ang bagyong Ondoy, nagkaroon ng kanya-kanyang malakihang selebrasyon ang dalawang malalaking simbahan sa Pilipinas. Nauna ang anibersaryo ng Iglesia ni Kristo, at sumunod naman ang anibersaryo ng El Shaddai.

" Mangyari lang po na kung kasing banal sana ni Noah ang mga pinuno ng mga simbahang ito, eh di dapat sinabi na sa kanila ng Diyos na may darating na malaking baha na kikitil ng maraming buhay sa Maynila. Mabuting oportunidad sana iyon upang ipahiwatig ng Diyos ang mensaheng ganoon, lalo pa't maikakalat agad ng mga propeta ng dalawang simbahang iyon ang balita sa milyon-milyon nilang mga tagasunod. Sa nangyari ay mukhang walang balak na magsalita ang Diyos sa kanila, o kung hindi man ay may sinabi ang Diyos sa kanila pero hindi nila ipinasa sa mga audience nila.


" Sorry po, pero mukhang hindi friend ang Diyos ng mga Manilenyo. Hanggang dito na lang po at sa uulitin."

Sabay talon siya sa tower. Di ba?

Photo Taken From:
http://byezekiel.files.wordpress.com/2009/10/typoon-ondoy.jpg

Ngayon, natapos na ang bagyo, at sinusubukan muling maging normal ng Maynila. Bumabangon na ang mga Manilenyo. Pero huwag ka, dapat hindi mo kalimutang isipin na baka magkaroon ulit ng pagkakataon upang makita ang tunay na kulay ng mga kapitbahay mo, at ng mga institusyon na pumapaligid sa iyo, kaibigang Manilenyo. At dapat din siguro tanungin mo ang sarili mo -- ako ba talaga ay maaasahang friend? Dahil yun ang kailangan ng mga Manilenyo. Ang kumalat ang lahi ng mga mabubuting friend.

Photo Taken From:
http://s3.amazonaws.com/static.eyeblend.tv/media/gcpic-33067/jpg/640x465

The Ondoy Massacre, September 26, 2009 -- kumbaga, kung may Katrina sa States, hindi tayo pahuhuli diyan dito sa Manila. Gunitain natin ito, at sumumpa tayong magiging friends na tayo sa susunod, upang walang mabiktima pang muli. Huwag nang parating umasa sa gobyerno o sa kung anumang institusyon.

Umaasa ang marami sa iyo at sa akin, friend.

Tuesday, September 8, 2009

Amfufu, Ayoko Talaga ng Mga Mall

Photo Taken From:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg42eDObspYSlCpgxd1na7SOr8JypeTGExcyuy39pjAgsQsheW3gtluVnmHeny2HsldH03rgXgNb_m05xNZ-tObqFK3JeVVGS6GU4p7EWPSSXSp_g_7vUHzNsUv-NaaBXrJFr7gjorjU6Y/s320/Sm_megamall.jpg


Tadtad na ng malls ang buong Pilipinas. It's creepy. No, it's terrifying. The map of the Philippines, it was once said, looks something like a human body. Today, that map is dotted with blocks of long, solid, monolithic concrete structures--malls, malls, and even more malls, sprouting up like diseased pustules on human skin.

Photo Taken From:
http://eagleman65.googlepages.com/sm_megamall.jpg


Siyempre, pag sinabing "pustules" nakakadiri yun. Many would say na hindi naman dapat ihalintulad ang mga mall sa sakit sa katawan, much less ihambing sila sa mga pigsa or kulugo.

Because we Pinoys can't deny that we are very addicted to malls. Malamig sa loob, as compared to the sweltering streets of the cities. Everything's so invitingly clean, dazzling, and sparkling inside, napakalayo sa mga kalye na puro putik o baha pag umuulan, alikabok pag summer, puro basura ang nakakalat, puro usok ng sasakyan. And all those merchandise on display entice you to notice their eye-catching colors and feel their vibrant textures. Yung mga presyo nga lang nila siguro ang nakaka gulat kaya after some time examining them iiwas ka na. It's simply better to appreciate them from behind glass windows without actually buying them.

Photo Taken From:
http://photos.the-protagonist.net/albums/car-dvd-player/IMG_1496.jpg


What's more, kapag nakakatawag pansin ang suot mo sa mall, your fashion statement most surely garners just as much attention from the window shoppers as the thingamajigs on display. Feeling artista ka tuloy!

Photo Taken From:
http://www.pep.ph/images/gallery/3-March-2009-236e3f91fe/abd589320.jpg


Have nothing to do on your spare time? Want to take your family out where all of you can watch a movie, play videogames, dine, and stroll leisurely? Want to set a date with a special person? Want to shop? There's always a mall nearby--hell yes, they're everywhere.

Then we hear about a mall getting blown up by a bomb or some faulty leak in their underground pipes--which it turns out, is combustive--and then perhaps we have to think and pause for a moment.

Photo Taken From:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhYmTJqLyM4tJJT3Wx9m0D7dpwf5Hnxi8XvB0TFyG8fvuBBWssKi2Vey1fLJgHXxgKhkiT6ABeWRFphs79-abhcy9K1oGLBI93-AS4kdp5ocViKYqS9_9jjAY3oiLeQyQatOvr4JPO8XKyF/s320/Glo2


Maraming dangers ang mga mall. And when we take these dangers for granted, we might become the victims. Many others already have been unfortunate enough to be. Totoo namang target ng mga terrorista ang mga lugar kung saan nag iipon ang mga tao. Malls gather whole families. Families. It is one of the few places where you encounter entire families together. Your family is inside a mall, then you may have just walked into a sitting target--a huge and unmissable sitting target.

And let's not forget that malls aren't exactly the best places to be in when an earthquake strikes--God forbid that you are taking a meal in the basement area. Fires and other accidents can easily provoke stampedes. Kahit pa sabihin na those kinds of things rarely happen...doesn't necessarily mean na they do not. They will. One day could be more than enough.

Photo Taken From:
http://cache.daylife.com/imageserve/00a88Ml9g2bsu/610x.jpg


Among other undesirable things, malls can also cause humongous amounts of traffic jams. Naku, tayong mga simpleng nag ko commute, alam natin yan. Lalo na kapag may end of the month sale. Ang dami daming mga private vehicles gumagawa ng mga bottlenecks na umaabot sa highway just because they are scrambling for parking space. Not to mention the havoc on the roads during the Christmas gift giving season! Amfufu.

Photo Taken From:
http://gco122386.files.wordpress.com/2009/02/edsa_traffic.jpg


Malls don't exactly promote your general health. Sabi nila walking along the whole length of the malls while window shopping for hours can promote cardiovascular endurance. Yeah, walking does that, I agree. But in an enclosed space, however airconditioned? Breathing in all the possibly nefarious bacteria and viruses which seek exactly the cold temperatures and hospitable enclosures to thrive in?

Photo Taken From: http://mechelle2010.files.wordpress.com/2008/09/sm_mall_of_asia_2.jpg

Didn't they tell you to spend less time in crowded places in the presence of the A (H1N1) virus? Harmful viruses like those are inhaled, you know. Not to mention tuberculosis bacilli. Now, you still want your kids to spend more time at the mall, running around willy-nilly and respirating like an athlete?

Pag nagkaroon ba ng mall sa lugar mo, gumaganda ba ang buhay? We ought to give this question a fair degree of serious thought. Where once a huge acre of real estate was nothing more than grassland, bigla may tatayo na mall. Bigla, may isang higanteng lugar na pwede kang magpalamig, mag good time, mag pa-sikat, at mag park ng kotse. In a certain sense, we Pinoys like it that way because "nabubuhay ang lugar". Oo, nabubuhay nga ang lugar dahil may gimikan. Pero gumanda ba ang katayuan ng buhay mo? Ngayong nagkaroon bigla ng de-aircon at sosyal na gimikan ang mga pamilya at mga magbabarkada, did it create or stimulate prosperity, wealth, and well-being among Pinoys?

Photo Taken From: http://farm2.static.flickr.com/1224/1377674349_583a71a08b.jpg

Let's put it this way. Para mas marami kang mabili sa mall, kailangan meron kang fair degree of reasonable wealth. Or kung masyado mang marangya pakinggan ang “wealth”, sabihin na nating “purchasing power” na lang, or yung kapabilidad na bumili ng mga bagay.

Dapat meron munang production bago magkaroon ng consumption. Ang malls kasi, iyan ay lugar ng consumption – in other words, iyan ang isang lugar kung saan ka gumagastos. Ngayon, logically, bago ka gumastos, dapat meron ka munang ipang gastos. Dito pumapasok ang production. Sa madaling salita, production means income, or pera na pumapasok sa bulsa mo. Gets?

Di ba sa mall, lumalabas ang pera galing sa bulsa mo. Ang dapat nangyayari, bago pa lumabas ang pera sa bulsa, meron munang papasok in the first place. So, production should come before consumption. Let's repeat that. Production should come before consumption.

Ang nakakalungkot sa Pilipinas, sumosobra na ang dami ang lugar na pang consumption. Pero, yung mga lugar kung saan pwedeng mag ka production, kaunti lang. Mas madaling gumastos sa bansa natin kasi naglalakihan ang mga mall. Mas mahirap kumita ng pera kasi mas kakaunti ang mga lugar kung saan ka pwedeng makapagtrabaho at sumuweldo nang maigi kumpara sa dami ng mga mall. Our country has too many opportunities for consumption, but too little opportunities for production.


Photo Taken From: http://cache.virtualtourist.com/3080621-Mall_of_Asia-Manila.jpg

Bilangin na lang natin kung ilan ang SM, Robinsons, tsaka Ayala Malls – isama mo na pati yung mga mall na hindi masyadong kilala -- and you will notice that they are everywhere. Pero, ganun din ba karami ang mga building where you can earn a decent income?

Ikumpara natin ang sitwasyon natin sa sitwasyon ng ibang bansa.

Sa Japan, maraming oportunidad para kumita ng pera. Kasi malakas ang production nila doon. Hindi kasi inuna ng mga Hapon na magtayo ng mga malalaking mall. Ang ginawa nila, nagtayo muna sila ng malalaking mga factory. Imbes na kinalat nila ang mga lugar kung saan may consumption, sinigurado nila na may production muna sila. So, gumawa din sila ng malalaking mga building – kasing laki ng mga SM o ng mga Robinson’s dito.

Photo Taken From: http://www.vietnam-un.org/images/galleryen/Honda%20VN7.jpg

Pero, imbes na mga boutique stores and shops ang nilagay nila sa loob ng mga building na iyon, mga pabrika ang nilagay nila.

Photo Taken From: http://msnbcmedia4.msn.com/j/msnbc/Components/Photos/061003/061003_toyota_hmed_12p.hmedium.jpg

Pagawaan ng kotse. Pagawaan ng mga bisikleta. Pagawaan ng TV sets, radios, wristwatches, basketballs, sports shoes, computers, cell phones, CD’s, DVD’s, semento, traktora… kung anu ano pa. Sa sobrang dami ng ginagawa nila sa mga pabrika nila, napuno tuloy ng mga produkto nila ang mga mall natin sa Pilipinas.

Photo Taken From: http://farm1.static.flickr.com/74/168962129_83511b1b24.jpg

Inuna ng mga Hapon na magkaroon ng production. Kasi sa ganitong paraan nagkaroon ng malaking income ang mga mamamayan nila. Sa pabrika kasi, kahit sino pwedeng mag trabaho – kahit yung hindi tapos sa pag – aaral, yung mga medyo lampas 40 years old na, yung mga bingi o bulag. Kapag marami kasi ang kumikita, kapag marami ang productive, mas marami ang kumikita nang mas malaki. In other words, production must be encouraged first before consumption.

Kasi kapag malaki na ang production, pwede nang mag consume ang mga mamamayan. Kaya ngayon ang mga Hapon, pwede na din silang bumili ng kung anu ano sa loob ng mall. Bumili ha, hindi yung magpalamig lang.

Ang hirap kasi ngayon from what I notice in my country, mas inuuna ang consumption. Instead of putting up large buildings where people can work and earn, big businesses would rather put up big buildings where people spend. Aren’t large buildings supposed to help people earn first?

Instead of putting up yet another mall, why not set up a factory for cars? Or a factory for making airplanes? In fact, production should not be limited to such consumer goods. Pwede din na paunlakin muna ang production sa mga agricultural areas – farming and fishing should be developed to become larger-scale industries where all Pinoys who work there would earn. Naku, kapag nangyari iyan, ekta ektaryang lupain na pwedeng kumain ng sampung mall ang magagamit para magkaroon ng production.

Ang maganda pa sa ganun, makikinabang nang husto ang mas maraming Pinoy. Hindi lang mga college graduates ang magkakaroon ng magandang pagkakakitaan.

Today, the Philippines is described as an economy of consumption. Kasi nga puro mga malls. Puro gastos ang ginagawa sa Pilipinas.

Photo Taken From: http://www.fotosearch.com/bthumb/SBY/SBY231/STK325524RKN.jpg

Wala tayong produktong ginagawa, kung tutuusin. Or kung meron man, sobrang kakaunti. Hindi tayo kilala as an economy of production. Kasi kung economy of production nga talaga tayo, eh di dapat halos lahat ng binibili mo mismo sa mall, from clothes to cellphones to television sets to shoes to groceries, etc., would have “Made in Philippines” na nakatatak doon. Hindi “Made in China”, “Made in U.S.”, “Made in Thailand”, “Made in Japan”, “Made in Korea”…and so on and so forth.

Photo Taken From: http://trailblazersblog.dallasnews.com/archives/cred%20-%20made%20in%20china.JPG

Again, an economy of production means marami tayong produkto. Kasi nga, pag marami tayong produkto, malaki ang kikitain ng karamihan sa atin. Pag marami ang kinikita, mas marami tayong consumption.

Di ba mas maganda kung medyo magbawas bawas man lang sila sa pag tayo ng mall? Di ba dapat ang itayo diyan yung isang lugar na pwedeng pagkakitaan, hindi yung lugar na pagkakagastusan? Maybe it’s time to proclaim that we ought to slow down on constructing even more newer malls. There are already waaaay too many of them.

Photo Taken From: http://www.travelpod.com/cache/attr_maps/Robinsons_Place_Mall-Manila.gif

And to think na ang karamihan ng mga kawawang Pinoy na nag tatrabaho sa mall ay hindi naman nababayaran nang tama at walang job security. Puro contractual na every 6 months pwedeng tanggalin sa trabaho.

Photo Taken From: http://www.bulatlat.com/images/5-36/SM-Makati-Strike.jpg

In other words, pag sa mall ka mismo mag trabaho, malabong aasenso ka. Kaya nga maraming nag sa strike na mga trabahante sa malls eh.

Hayyyyy amfufufufufufu!!!! Ayoko talaga ng mga malls.






Monday, August 31, 2009

Man In Barong and Flashy Car Snatches Your Wallet

Picture Taken From:
http://www.barongfilipinodesigns.com/images/uploads/J4001.jpg


Ang hirap makaisip ng headline sa diyaryo na ganun. When someone mentions the word "snatcher", ang iniisip natin yung taong mukhang hindi naligo nang dalawang linggo, the kind you see who wears clothes which look like they were stained with piss, crud, and shit. Di ba ganun naman ang mga magnanakaw?

Photo Taken From:
http://www.amren.com/ar/2009/04/06a-guatemala_gang_tattoo_01.jpg

Di ba wala namang snatcher o magnanakaw na naka barong at naka kotseng maganda? Di ba sa news sa television, kapag may napapanood tayong mga hinuhuli ng pulis na mga magnanakaw, kadalasan mga gusgusin ang itsura, yung tipong mga istambay sa squatter areas na mahilig mag shabu, or they look more like menacing figures in military fatigues, brandishing high-caliber firearms, with grim faces.

Ang mga magnanakaw, in other words, hindi mukhang mga lawyer o politiko.

Pero teka, di ba bukangbibig naman nating lahat na mga Pinoy na karamihan sa mga pulitiko natin mahilig din magnakaw? Problem is, hindi natin ramdam. Iba na kasi yung naglalakad ka sa kalye, it's nighttime, and you see this suspicious shadow following you, sigurado matatakot ka. Lalo na kapag napansin mo na yung sumusunod sa iyo mukha talagang taong nanggaling sa putikan. Pero when you see this polished, squeaky-clean person attired in the finest haute-couture, we tend to let our guard down. Bakit ka nga ba iiwas doon sa makintab mula buhok hanggang sapatos niya, di ba?

Even more so when such persons are onstage. Siyempre pag nasa entablado na sila at nakikita mong isangkatutak na taong audience ang nakikinig sa kanila, bakit mo sila lalayuan, di ba? Hindi naman sila mukhang may magagawang masama sa iyo. So, it's fine for them to get near you. Lalo na if they wear designer perfumes. Kasi kapag mabango hindi life-threatening.

Pero let's take a second look.

What's the difference between yung taong mabango at naka porma compared to isang taong amoy mabantot tsaka pangit ang damit pati mukha? Madaling sabihin na yung adik sa kalye na sinubukang kunin yung wallet mo, which contains what you earned the whole day, o kaya yung cellphone mo, na pagkamahal mahal ang bili--napakadaling sabihin na dapat nga silang bugbugin ng mga pulis pag nahuli sila. We even prefer to maul them to bits right after they are captured.

Photo Taken From:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjvam0D5x04w7HUeVt4Agn_EXbbuDuZSz8k1JqgBUh1I7gZxbw-ema2RQ1MVano0PyKTbR1zibGrRBAGoLC6rAx1fooIwGDMeOeNcygIbb_PNramTfekffOQOtjNgFmVyQ8KyTOAFqau6p9/s400/IMG_7924+copy.jpg


At the same time, we admit to ourselves that people who dress well and look good can and will steal from us simple citizens. And we also have an idea that yung mabango mas maraming nananakaw. Pero sobrang hirap ma imagine ang isang magnanakaw na naka barong tsaka may luxury car na binubugbog sa kalye. Sige, try to see it in your mind. Di ba it's harder to do so? Lalo na kasi we don't see anything like that on TV.

And yet, they can steal more from you because you don't notice it. Hindi man sila kumikilos sa kalye, may kinukuha pa rin silang pera galing sa bawa't isa sa atin.

Photo Taken From:
http://z.hubpages.com/u/760331_f260.jpg


So can it be said that these kinds of people, too, should also experience getting beaten up by a mob? Siguro yung picture sa taas magiging ganito ang itsura:

Anong kaibahan ng magnanakaw na mabango doon sa magnanakaw na madungis? Mas mahirap sa ating isiping magalit at mambugbog ng magnanakaw na mabango. Mahirap magalit sa naka barong. Pero kahit pa ganun nga, it's better to always remind ourselves how robbers in good clothes operate.

Imagine na ikaw ay piso. Just this once. Try to see yourself as this one peso coin below.

Photo Taken From:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjKCgmvLQt1oxQbbxDtox2PkqtSHVp0h2dtDBB887Pb-hPJvsJF6aIxxC_oYUgOtJPItujk8mFZ427bpn1Y-fJL7_rB9wsPIOWfAgTKDfo9usK_wMe0yohzngRDREIv_EmSDdH50iRSvWI/s320/1+peso+dekada+ng+kulturang+pilipino+commemorative+r.jpg

Isa ka lang sa dinami dami pang ibang piso na kinita ng isang typical na worker pagkatapos ng isang araw ng pagkakayod. Therefore, ikaw ay pag-aari nung trabahador na may hawak sa iyo. Marami kang kasamang ibang piso diyan sa tabi mo, at lahat kayo ay, presumably, binigay doon sa worker dahil kayo ay pinaghirapan at pinagpawisan niya buong araw. The worker fully deserves to receive you because he earned you lawfully, which means he didn't steal you from anyone else.

Pero pwede kang nakawin from that worker, kahit piso ka lang, and the worker wouldn't even feel anything. Maraming binibili at binabayaran ang trabahador sa loob ng isang araw--mostly food or groceries or, occasionally, clothing, movie tickets perhaps, or even home utility bills.

Kasi dito sa Pilipinas, isangkatutak na taxes ang sinisingil sa mga binibili ng mga trabahador in their everyday lives. Let's say that bibili ang isang trabahador ng gamot, which is a necessity. Yung gamot sa normal headache costs around 5 pesos. Being a one-peso coin yourself, you might be among those 5 pesos which the worker paid to get that medicine. Ideally, dapat kang mapunta doon sa bulsa ng nagbenta nung gamot, kasi binayad ka para sa gamot eh.

Ideally
yun. But it's also possible that you, wretched one-peso coin, will only end up as payment of taxes levied on the medicine. Yung 4 na ibang piso lang ang mabubulsa nung nagbenta ng gamot. Ikaw, nailipat ka sa bulsa ng gobyerno, more specifically, into the supposed "fund" na dapat ipanggastos for road improvement. Marami kang makakasamang ibang tig mamiso doon, galing sa mga taxes na pinataw sa marami pang ibang produkto--baka tig iisang balde kayo ng piso. Ang sabi nung pulitiko--na laging naka barong, na may magandang kotse, at mabango--ipanggagastos daw sa pagpapaganda ng kalye ang milyon-milyong piso na iyon.

Siyempre, because this politician doesn't outwardly look like the dirty-rat criminal on the street, you won't readily suspect him of having plans to commit robbery. Hindi naman siya bumubuntot sa iyo sa gabi, neither does the guy display any outward appearance which would tell you that he wants to steal your wallet while you are walking along the street. Kung tutuusin nga, ang tawag natin sa mga ka itsura nila is yung "disente", o di kaya "mapapagkatiwalaan".

Photo Taken From: http://cdn.wn.com/o25/ph//2009/06/08/6dedb4517ee1c7f490349da240f4862e-grande.jpg

Now, balik tayo sa situation mo bilang isang piso. So ikaw, na nanggaling sa kinita ng isang worker, nasingil ka as tax sa gamot, so imbes na napunta ka sa bulsa ng drugstore, napunta ka doon sa bulsa ng pulitiko. Sabi nung pulitko dapat daw gagamitin ka para sa pagpapaganda ng kalye.

Of course not. The politician could decide to use you--isang piso among a collections of a million or so others--to buy a house for him or herself. Or you may be part of millions used to buy a luxurious car. Or even an expensive cellphone for his child. Ang lumilitaw, ninakaw ka galing doon sa trabahador na nagpagod para makuha ka, ninakaw ka nung pulitikong naka barong. Imbes na gamitin niya yung millions equivalent in taxes para pagandahin yung kalye na ikaw din ang gagamit, kinamkam niya yung amount na iyon para sa sarili niyang luho. It deserves to be repeated--milyon milyon piso galing sa milyun milyong mga trabahador na nagpapagod ang ninakaw niya and he or she did it without appearing to do so.

Of course, the example given above might seem so superfluous and overly simplistic...all the same, we Pinoys are certain that, whether in its most basic form or in more complex schemes, robberies following the same principle always happen.

People in barongs or classy suits and smelling nice rob from each and every typical worker each day. This is a truth we must keep in mind all the time. They rob from OFW's, factory workers, office staff, street vendors, practically every Pinoy who has to sweat and toil just to earn enough to get a decent meal.

Now consider this. Can you remember just how many times a supposedly "dirty-looking" purse snatcher victimizes you in a day? Or in a month? In a year? Do greasy, stinking, unwashed gangsta-types manage to divest you of your hard-earned cash almost each time you spend for anything--and this means, almost anything at all? Nah, that would be impossible. Kung ganun ang nangyayari, eh di dapat bawa't oras na you are outside your house nakukuhanan ka ng wallet ng snatcher.

It thus becomes clear that, compared to the multitude of people wearing barongs who manage to constantly steal from you every single day, the purse snatchers we always think of as being "common criminals" would certainly appear to be the amateurs--no, even worse than amateurs, given that they will infinitely be less than likely to victimize you with the same consistent frequency.

Perhaps it's about time we change the way "common criminals" are defined. Di ba mas madaling isipin ang salitang "common" as something occurring regularly--every day? So, lumilitaw na dahil mas madalas tayo nakawan ng mga taong naka barong kumpara sa mga taong pangit, mabaho, tsaka umiistambay sa kalye--maybe it's wiser to apply the term "common criminals" to people in barongs!

And, to add insult to injury, we see the fruits of the crimes committed by these people nearly all the time. When you see them riding in their expensive cars, wearing expensive watches, using expensive gadgets, smoking expensive cigars...nakakainis isipin na pinapakita pa nila yung mga bagay na binili nila using the money they stole from you. Opo, mga kaibigan, tayo pong mga simpleng trabahador, kung tutuusin, ay may karapatan gamitin ang ginagamit nila, kasi in truth, meron tayong contribution sa mga iyon. Kung tutuusin, kasama ka-- kababayan kong trabahador din--sa mga nagpagod para bilhin ang mga kotseng magagara nila, tulad ng kotse sa ibaba.

Photo Taken From: http://www.blogcdn.com/www.autoblog.com/media/2007/12/roewe-suv-430.jpg

Let's always remember: whatever expensive things these people in barongs bring with them, they most probably came from your own pockets and not theirs. Let's not forget that previous controversy regarding a certain former First Lady and her thousands or millions of pairs of expensive shoes--not to mention a whole collection of designer jewelry. Kung iisipin mo nang husto, pwede nating kunin ang mga iyon at ibenta tapos ikalat ang kinita natin sa mga iyon amongst ourselves. Kasi we were the ones who spent the money for that First Lady to enjoy them in the first place!

Photo Taken From:
http://timesonline.typepad.com/photos/uncategorized/2008/08/27/imelda_marcos.jpg


Do we have a right to express our anger at people in barongs who steal from us? Of course! And why not? Yun ngang mga tao sa kalyeng hindi naman araw-araw at oras-oras nagnanakaw, hinuhuli agad eh. Everyone therefore should exercise double effort in bringing to justice people who can steal from you every second. Because in reality, sila ang mga "common criminals". They deserve to be prosecuted and sent to jail with even greater urgency kumpara sa mga taong nagnanakaw nang lantaran sa kalye.

So, can people in barongs and flashy cars snatch your wallet? You bet they do, all the time. Be careful of them.

Sunday, August 23, 2009

Lolo Pepe ( Jose Rizal ) And Some Of His Thoughts on the Present State of His Mother Land

My fellow countrymen, again and again you make me proud to be a Filipino. Many times we have fought for our freedom with nobility and sincerity. Our former Spaniard colonizers were just the tip of the iceberg; later on, we fought for our own sovereignty with our American--ahem--friends, and then we fought the Japanese for it in World War II; and then much much later on, we stood up against a fellow Filipino who should have been a promising President but ended up being an egomaniacal dictator who put the country to ruin. And then, only recently, we defended our freedom one more time and overthrew yet another President who turned out to be engaged in the most distasteful criminality.

Yes, we fight for freedom--or what modern political reality designates as "democracy", if you may--and we are repeatedly victorious in doing so. That's something that I will always be proud of. However, it might have escaped most of us Filipinos that being a “free” and “democratic” people is in itself merely a Beginning. Freedom undeniably plays a big role in defining ourselves as a Nation, but what is this so-called “democracy” without a Destiny in mind? Oh yes, we can talk endlessly amongst ourselves about how liberty is still the best virtue in a country, but this liberty should be...for what end?

Better education for our people has always been what I've been pushing for. And why not? The whole Community of Nations can be compared to a big, vast classroom. Each country can be thought of as one student. And of course we know who the top students, the sobresalientes, of this Classroom of the World are. Where once they were called Great Nations, now they are designated as the First World Countries—nations which excel in industry and commerce, modern innovations and technology, both pure and applied sciences, even in athletics and military defense capabilities, just to name a few. More importantly, taking the analogy of a World Classroom further, these First World Countries, or top students, shall we say, are able to give the best quality of life to their peoples.

Sadly, if we are to consider the Philippines a student, we have always been ranked among the “mediocre” majority in a Classroom of the World. This would be quite incongruous with the way we yearn for our own children to excel in their studies—to strive to be at the top rank. Why shouldn't a Whole Nation be motivated with the same vigour to excel within the world community?

I have always written about the Great Nations around the world that I personally visited in countless journeys and sojourns. I have always longed to see the same operating principles that made them Great right here in our Motherland, to be experienced by all Filipinos. Yes, we Filipinos will fight for our freedoms, but we must also equally fight for a Destiny.

Wednesday, August 5, 2009

Why I Did Not Attend Cory's Funeral And Burial

Photo Taken From:

Nakakatamad pumunta kasi umuulan tsaka sobrang trapik. Nah, of course that's not the sole reason. Hindi ko naman sinasabing balewala sa akin ang pagkamatay ni Cory Aquino.

It's just that the dreary rains all throughout the four-day funeral rites, and moreso the current downcast mood all over the country because of persistent dire social and economic crises, greatly magnified the loss even further. Napakabigat na nga na nawala sa piling natin si Cory, hindi man lang nangyari yun sa panahong medyo mas maigi ang sitwasyon natin sa Pilipinas. Hindi ko na kinayang magpunta. Gaya ng karamihang ibang tao na kahit nalungkot man sila ay hindi na din nagpunta.

Ano ba dapat ang ideal conditions para mas marami sana ang dumalo doon sa funeral rites? Siguro let us name just a few. First of all, dapat hindi na kailangang malaki ang gagastusing pamasahe para lang makapunta doon sa location. Second, kung pupunta nga ang mga tao doon dapat din hindi na sila masyadong nanghihinayang sa gagastusin nila for food while staying there. I mean, you could be staying there for five hours for all you know, dahil pipila ka pa before mo pa malapitan yung kabaong mismo ni Cory. Paano pa kung kasama mo ang buong pamilya mo? Mabuti kung ang pamasahe ng limang kataong pupunta doon galing Tarlac ay aabot lang ng 100 PhP, tapos ang gagastusin ninyong pagkain na nakakabusog will only set you back around 60PhP. 160PhP lang for five people from Tarlac to go all the way to Greenhills, Metro Manila! Aba, siyempre maraming pupunta nun, di ba?

And maaaring third ideal condition is...kung ang buhay nating lahat na mga Pinoy ay katulad sa buhay ng mga Amerikano nung panahon na nawala din ang Presidente nilang minamahal nung 1960's, si John F. Kennedy. Kumbaga, maayos ang buhay, wala kang ibang iniisip kung may makakain ba ang pamilya mo araw-araw o ano. Kung hindi ka ba mawawalan ng trabaho kinabukasan pagkatapos mong dumalo sa funeral rites.

Pero kahit pa man maraming hindi nakapunta, aminin din natin na marami din talagang nagpunta. At umiyak. And shared in collective mourning side-by-side, shoulder-to-shoulder. Which is something that Cory, after all, fully deserves.

Photo Taken From:

But there is, perhaps, an arguably more ominous reason why many other mourning Pinoys could simply not bear to go to the funeral ceremonies. It could be that there lies heavy over the proceedings this nagging sense that...our beloved Cory might have died in vain. Pumanaw man ang sinasabi nilang Ilaw ng ating bansa, maaari pa ring hindi ito magsilbing catalyst para mabawasan man lang ang masasamang nangyayari sa bansang Pilipinas. Oo, dapat nga ang pagkawala ng isang katulad ni Cory ang gigising sa ating lahat para kumilos upang huwag masayang ang lahat ng pinaghirapan niya.

Then again, maybe, just maybe, her death ( and sacrifice, if you may ) might just not serve any greater purpose at all.

Aba, e nakakatakot yun.

Photo Taken From:

No one can deny that Cory in her lifetime has given the Philippines that most precious of gifts--liberation from the shackles of a crushing dictatorship under former President Ferdinand Marcos. And in what breathtaking and awe-inspiring fashion!

Naaalala pa ng karamihan sa atin ang 1986, kung kailan namangha tayo sa mga litrato ni Cory na kumakalaban kay Marcos, who was every bit the strongman, with a whole army of soldiers, tanks, and helicopters at his disposal. And who was directly opposing him? A housewife. Kumbaga, isang babaeng hindi siguro nalalayo sa karamihan ng mga nanay natin. Pero dahil sa pananampalataya ni Cory sa Diyos at sa mga Pinoy na sumusuporta sa kanya, dahil sa paniniwala niyang hindi daw kailangang tapatan ng dahas ang dahas, nanaig siya. Imbes na siya ang dinurog ng mga tangke, yung tao sa likod ng mga tangke at armas, si Marcos, ang tumakas nang parang asong dinaig ng leon.

Photo Taken From:

That momentous event, now universally called 1986 EDSA Revolution or People Power, served as one of the most potent examples of non-violent resistance in perhaps the whole of human history. It was of such exemplary and phenomenal proportions that many other peoples in other countries used it as their inspiration to launch their own successful non-violent revolutions against repressive governments. Oo, ginaya ang Pinoy ng ibang bansa pagdating sa People Power natin. Ang East at West Germany nagawang mag unite ulit after around 40 or so years of division. Ang dating Soviet Union nagawa nilang pabagsakin ang Communist regime sa lupain nila. Naging trendy ang People Power, kahit pa walang nag akala na mangyayari yun.

Photo Taken From:

Kung ganito naman pala na not only the Philippines, but the whole world in general was inspired so much by Cory's steadfastness, bravery, and faith in a Higher Power, bakit naman mawawalan ng pag-asa ang karamihan ng Pinoy sa bansa natin kahit pa nawala nga sa atin si Cory?

Let us liken the situation to what happened to the United States after the September 11, 2001 attacks on the World Trade Center twin towers. Lahat ng Amerikano ay nagdamdam nang husto na marami talagang namatay doon sa trahedyang iyon. Pero nasabi pa ng mga Amerikano sa sarili nila na "We will rise from this disaster stronger and more united". Naroon ang grief, pero naroon pa rin ang nananaig na pag-asa. Could we Pinoys say the same to ourselves after losing Cory? Do we still have hope? Will we also rise as a nation stronger and more united after this loss? O lalo lang ba tayo mababaon nito sa kahirapan?

I would have preferred it if I could have gone to her funeral grieving for her loss, and yet feeling a sense of triumph all the same. I wouldn't want to stain her memory by going there and feeling that my country will go to the dogs because its sole remaining person of inestimable worth has passed away.

Maraming nagsasabi diyan na pagkatapos daw ng People Power 1986 ganun pa din ang kalagayan ng Pilipinas, katulad pa rin ng paghihirap natin noong presidente pa si Marcos. May mga nagsasabi pa nga na mas mabuti pa sanang hindi na lang umalis si Marcos, which is somehow delusional, admittedly. Pero, let's also admit na may punto din ang mga nagsasabing sana naman ay mas malaking ginhawa ang nararamdaman natin ngayon dahil nga sa paghihirap na dinanas ni Cory.

Sige, sabihin na natin na kahit pa hindi naging perpektong presidente si Cory nung term niya ay okey lang naman. Parang si Michael Jackson yan, di ba, who was hounded by all sorts of scandalous accusations involving probable child molestation during his lifetime, but was remembered simply as a pop singer who revolutionized mainstream music after his untimely death. Let's also say na hindi din naging perpekto ang mga presidente after Cory, and that past is past. It's now time to lay the wreath on Cory's remains and thank her for all she's done and now look to the future.

And what future is that?

It's inevitable that the figure of Cory will continue to cast its influence when we contemplate a future without her physical presence. Siya kasi ang "exemplar" e, ang "icon". Sana katulad niyang walang bahid ang bawa't isa ng mga namumuno sa bansa natin. Sana lahat sila tulad ni Cory na mas inuna ang interes ng nakararami kesa sa interes ng sariling pamilya. So natural lang na we can always try to evaluate the future of the country by how the legacy Cory left us should somehow affect it. We can do this more easily by asking some simple questions.

1) Do We Need Another Cory?

Photo Taken From:

Naku, sana si Cory ay nag iisa na lang. But please don't misunderstand. I am simply saying this because it is very sad to say that, "yes, we need another Cory". What are the implications of that statement? That, for all she has done, the forces she did battle against are still in existence. Oo, nawala nga ang diktador na si Marcos, pero beyond that fact, Cory was also, in principle, not just opposing a single person, but the mechanisms of repression and depravity which that person simply embodied. Oo nawala nga si Marcos, pero if Pinoys still continue to suffer the same conditions that they did under his rule dahil sa mga pumalit sa kanya, then it simply means that may kulang pa sa nangyari nung 1986. Which is not necessarily Cory's fault, of course.

Nung nagkaroon ng sariling People Power ang Russia at pinatalsik nila ang Communist Party, ang nag spearhead ng rebolusyong iyon ay si former Soviet President Mikhail Gorbachev. After that change of government in Russia, which, by the way, was just as earth-shaking as our own 1986 EDSA Revolution, nag hirap nang husto ang Russia. Nabaon sila sa utang. Ang mga babae nila kumalat sa buong mundo at naging mga prostitutes. Marami pa ngang Russian prostitutes na umabot sa Pilipinas.

Dahil sa kahirapan ng Russia, hindi nanalo ng 2nd term si Gorbachev. Pumalit sa kanya si Boris Yeltsin. Ang problema, si Yeltsin ay parang panibagong Gorbachev lang din. Hindi umangat ang kabuhayan ng mga Russians. Oo, nagkaroon nga sila ng sinasabi nating "democratic republic". Pero ang mga Russians, tulad ng mga ibang Pinoy ngayon na gustong bumalik ang panahon ni Marcos, nagkaroon din ng mga pagyamot na sana daw ay ibalik na lang ang Communist Party.

Ang tanging nagpabago ng sitwasyon ng Russia ay si Vladimir Putin, pagkatapos niyang palitan si Yeltsin as Russian President. Gumawa siya ng maraming reforms. Dumoble daw ang pangkaraniwang sinusuweldo ng mga Russian laborers under Putin's administration. Yumaman ang Russia at nabayaran nila ang foreign debts nila. Without bringing back the Communists. It simply turns out na Russia didn't need another Gorbachev or Yeltsin. Kinailangan nila si Putin, who was a better administrator than the former two. Gorbachev and Yeltsin laid the foundations for a democratic Russia, Putin built on them.

Photo Taken From:

Could we really say we need another Cory? Or do we need someone with better abilities to build and expand on what she left for us? Obviously the past three Pinoy presidents who followed Cory couldn't exactly do that. They weren't much worse than Cory in administering to the Philippines, but they weren't exactly way much better, too. In fact, our present president as of this writing, si Gloria Macapagal-Arroyo, is being labelled as practicing many policies which are not far from what Marcos promulgated during his term, policies which encourage widespread corruption and violent repression of dissent.

Maybe we don't need another Cory. She did her job as president once before and that's that. Let us look for someone really better, someone who can inspire, mobilize, and lead us towards further progress than whatever might have been done before. Cory laid the foundations, the next one should build higher than ever before upon them.

2) Ano Ba Kasi Ang Silbi Ng Demokrasya Para Sa Mga Pinoy?

While Marcos is perceived as the shrewd dictator who ruled with absolute power, Cory is revered as the one who brought democracy back to the people. One of the first manifestations of how this came about was the immediate relaxation of censorship on the news media. Biglang naging malaya ang mga diyaryo at mga komentarista sa radyo at telebisyon na mambatikos ng kahit sinong government official na tiwali. Sabi nila na kapag nalaman ng karamihan ng populasyong Pinoy ang mga pandaraya na ginagawa ng mga kriminal na officials ay mas mababawasan ang pag-asang manumbalik ang Marcos-style na diktadurya, kung saan madaling pagtakpan ang corruption.

Madaling kalimutan na kapag isang "democracy" ang isang bansa, malaki ang responsibilidad ng mga citizens ng bansang iyon na gawin ang nararapat para sa sarili nilang kaunlaran. Kumbaga, sa isang bansang democratic tulad ng Amerika, ang masa ang may pinakamabigat na responsibilidad para sa kinabukasan nila. Mahirap gawin yun. Ang "demokrasya" ang isa sa pinakamahirap itaguyod na gobyerno sa lahat. Mas madali pa nga ang "komunista" kasi mas kaunti ang responsibilidad ng tao na mag isip para sa sarili.

There's this saying which goes: "Freedom comes with great responsibility". Ang Pinoy kasi, mas sanay na diktahan, kesa sa mag isip para sa sarili. Kahit sa pagboto ng mga opisyal kapag may eleksiyon, karamihan sa atin nakiki uso na lang sa kung sino ang sikat. Democracy will not work on a herd mentality, o yung mentalidad na kung ano ang ginagawa ng nakararami ay siyang dapat ding gagawin mo. Oo nandyan na sinasabi na ang demokrasya ay "majority vote", pero kapag nangyayari ito, matagal na matagal, as in sobrang tagal, ng proseso bago makakuha ng "majority vote". Simple lang ang dahilan. It is the "presumption" in a democratic government na pinag iisipan ng husto ng mga botante ang pipiliin nila.

It's always said that America has faster elections compared to the Philippines. Not necessarily so. Mabilis magbilang ng boto ang Amerikano, pero ang proseso ng eleksyon nila ay napakatagal. Sobra lang advanced ang galaw ng mga partido doon kaya parang mabilis lang ang lahat. Tsaka ang screening process ng magiging kandidato nila doon sobrang higpit. Hindi tulad sa atin ngayon na kahit sino pwedeng kumandidato. Kahit sino, kahit 2 months na lang bago ang deadline ng submission ng certificates of candidacy, pwedeng bumuo ng sariling partido.

Sa demokrasya kasi, self-determination ang policy. Walang swerte swerte diyan. Tayong mga Pinoy malaki ang ipinauubaya natin sa swerte. Hindi sa atin natural na mag isip na ang ginagawa natin ngayong 2009 ay may bearing sa mangyayari sa 2019, 10 years from now. Mas madali nating sabihin sa sarili natin na "bahala na si batman basta gagawin ko ang gusto kong gawin, susuwertehin din ako niyan". Sa totoong demokrasya, iniisip mo ngayon pa lang kung ano ang kailangan mong gawin para 10 or 20 or 100 years from now gaganda hindi lang ang buhay mo kundi pati buhay ng anak at magiging anak mo. Kaya nga kapag nangangampanya sa mga eleksyon ang mga kandidato sa Amerika, lagi nilang sinasabi na "what we are doing is for our children and our children's children".

Sa turo kasi ng relihiyon, basta gumawa ka ng mabuti may biyaya ka. Kapag ang bansa ay matatag at magandang demokrasya, tulad ng Amerika, hindi ganun ka simple ang patakaran. Kailangan pag aralan nang mabuti ng bawa't mamamayan ang mga ginagawa niya, kung makakabuti ba iyon sa bansa o hindi. Kahit pa sabihin ng relihiyon na bawal ang divorce, o di kaya bawal ang abortion, para sa mga Amerikano ang tunay na demokrasya ay ipauubaya sa mga tao mismo kung gagawin ba nila ang mga ito o hindi, kaya legal pa din sa kanila ang divorce at abortion.

Kung may ginagawa mang katiwalian ang isang government official, sa isang bansang may demokrasya malaki pa rin ang nakasalalay sa mga taong bayan para puksain ang katiwalian niya, hindi ito pwedeng basta ipag sa Diyos lang. Kung nag iisip naman ang mga Pinoy officials na kumilos ayon sa prinsipyo na democratic country ang Pilipinas, hindi nila pwedeng ipaubaya sa Amerika ang pagdala ng yaman sa Pilipinas, o ipaubaya sa Amerika ang depensa ng Pilipinas laban sa kung sino man ang pwedeng makipag giyera sa atin. Ang karamihan ng mga magagandang bansang democratic, kung tutuusin, ay may high level of self-sufficiency. At naka plano na sa kanila ang kailangan nilang gawin for the next 10 or 20 years para sa kapakanan ng bansa nila.

Masasabi ba natin na ang Pilipinas ay tunay na demokrasya na ngayon? Kahit malaya pa tayong mambatikos ng ibang tao, masasabi ba natin na tayo din ang umaako ng responsibilidad para sa sariling bansa natin? Na hindi natin ito ipinauubaya sa Diyos o sa swerte? Sabi nga ni President John F. Kennedy, "Ask not what your country can do for you, but what you can do for your country."

Sabi nga nating mga Pinoy mas mabuti na ang demokrasya kesa sa komunista o diktadura. Pero kailangan maintindihan ng bawa't isa sa atin na kapag demokrasya nga tayo, malaking malaki ang responsibilidad nating bawa't isang Pinoy. Cory gave it back to us, it is up to us now to make the most of it. No one else will.

3) What Is The Simplest Way Towards "Pagkakaisa"?

Photo Taken From:

The most popular song during the 1986 EDSA Revolution was "Magkaisa". So, we were supposed to unite back then against a dictator. So what do we unite for after the dictator left? It's a simple question with no simple answer.

Or perhaps the answer should be simple. Napakahirap magkaisa kung hindi natin maintindihan para saan ba ang pagkakaisa natin. Napakadaling sabihin na magkaisa tayo para "pagandahin ang buhay ng bawa't Pilipino". What should a good Pinoy life be like, anyway?

Perhaps it is a life much like what Singaporeans enjoy in their country. Halos lahat ng tao doon may magandang trabaho. Malinis ang mga kalye. Kakaunti lang ang krimen. Mababa ang corruption sa gobyerno nila. Sobrang taas ng sweldo ng mga tao doon, kahit mga katulong doon mas mataas pa ang sweldo kumpara sa mga teacher dito sa Pilipinas. Sa sobrang ganda ng sweldo ng mga maids doon pagka dami daming Pilipina ang pumupunta sa Singapore para mag maid. Kung lahat ng mga Pinay na domestic helper sa Singapore bumalik sa Pilipinas para maging maid ng mga Pinoy, lahat ng mga pamilya nila magugutom, hindi makakapag aral ang mga anak nila, mawawala ang lahat ng pag-asa nilang maka angat sa kahirapan. Mas mabuti pa kaya sa mga Pinoy na mabuhay katulad ng mga Singaporean?

To be sure, kung lahat ng Pinoy sumusuweldo nang kasing taas ng nakukuha ng mga Singaporean, wala nang dahilan para may pumunta pang Pinay doon sa Singapore para mag maid. Kasi kahit dito na sila sa Pilipinas mag trabaho, pareho lang ang makukuha nilang income.

Tsaka ang buong Pilipinas magiging ganito ang itsura:

Photo Taken From:

So, magkakaisa ba tayong lahat para isang araw maging parang Singapore tayo? Pwede yun. Napaka simpleng layunin yun. Pero dapat magkaisa din tayo kung kailan ang target date natin para maabot ang ganitong pamumuhay. 2009 ngayon. How many years before we become as rich and progressive as Singapore? 20 years? 30 years? 50 years? Imposible ba? May ibang bansa ba na nakagawa ng katulad nito?

Actually, meron. Pagkatapos ng World War II, the year 1946, lugmok ang Japan sa kahirapan. Natalo sila sa gera laban sa mga Amerikano, nasabugan sila ng dalawang atomic bomb, halos buong bansa nila nagiba dahil sa labanan. Nagkaisa sila na in 20 years, dapat naka ahon na sila sa kalagayan nila. More specifically, they wanted to become as rich as the United States of America, to the best of their abilities.

Tamang tama nga, pagdating ng 1966, nakita agad ng buong mundo na lumalapit na sila sa layunin nila, kasi umangat ulit ang ekonomiya nila. Dumami ang trabaho para sa mga Hapon. Gumanda ulit ang bansa nila, akala mo hindi nagdaan sa gera. Lalo pa silang yumaman habang dumaan pa ang ilang taon. Today, they are the second richest nation in the world. Ang mas mayaman lang sa kanila, Amerika. Malay natin kung in 10 years malampasan na nila ang Amerika?

Pwede kaya tayong magkaisa na payamanin ang Pilipinas sa loob ng 20 years?

Ang problema, pagkatapos nating makuha muli ang demokrasya, medyo nawala yata sa isipan ng mga Pinoy kung ano ba dapat ang mangyayari sa Pilipinas pagkatapos ng 1986. We suddenly didn't know what the Philippines is supposed to be, anyway. Iba iba ang opinion. Baka pwedeng magkaisa man lang muna tayo sa gusto nating mangyari. Mas simple naman ang usapan na ganun kesa kung anu ano pa ang sabihin na "to establish a democratic republic that cherishes and preserves the ideals of the people blah blah blah". Baka ang mas madali pang gawin natin, hanap tayo ng ibang bansa na pwede nating gawing modelo. Gusto ba nating maging parang Australia? Maging parang Japan? Korea? China? Gusto ba nating maging parang Amerika? Ilang taon ang kakailanganin natin para magawa yun? Kung may pinagkaisahan na tayo na bansang pwedeng tularan, mas madadalian na tayong kumilos.

Photo Taken From:

Even if I did fail to visit our dear beloved Tita Cory during the time when her funeral procession traced its much celebrated path across Metro Manila from the Basilica of St. Peter to Manila Memorial Park yesterday, August 5, 2009--it doesn't really mean that I wouldn't do her the courtesy of paying my respects to her in the future. Isang araw, bibisita ako sa puntod niya sa Manila Memorial Park. Pero bago ko gawin yun, sisiguraduhin ko muna na kahit papaano may nagawa muna akong kontribusyon para makadagdag sa kung anuman ang ipinunla ni Tita Cory para sa Pilipinas. Sa ngayon hindi ko pa masasabing meron na. My personal commitment is to do so within 2 or 3 years. And then, I can finally visit Tita Cory. I hope I will not be alone when that time comes.

The greatest honor we can bestow on her, after all, is to make something happen together, so that her death would not really be in vain.

Photo Taken From: